Filed under: Dreams
People destroy what they love. - The Valkyries
Sabi sa libro, kailangan nating i-break yung pact with failure. Ngayon, at madalas, gusto kong umpisahan ang paggawa ng pact na ito. Taliwas sa sinabi ng libro.
Ngayong Araw ng Pahinga, paggising ko, umiiyak ako sa bagay na hindi pa nangyayari. Sabi ko na naman sa sarili ko: I will forever dream about it. *sigh* Nalulungkot ako kasi ngayon araw ito nang aking pag-aaral. Dapat nga nagising ako kaninang 5 ng umaga, pero pinili ko pa ring matulog kasi naging maganda yung panaginip ko.
So, ngayon inuutus-utusan ako ng ate ko at ng mom ko. So hindi ako makapag-aral. So half-hearted rin ang paggawa ko ng mga bagay na pinag-uutos nila.
Na-realize ko na naging mabait naman ang pamilya ko sa akin. Pero bakit ganito ako kung umasta? Bakit ba napakasama kong kapatid o anak?
Kaya parati kong sinasabi sa sarili ko na hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal na binibigay ng pamilya ko. Hindi ako karapat-dapat sa kung anumang kaligayahan sa mundong ito. Gusto kong sirain ang buhay ko kasi wala akong kwentang tao. Gusto kong sirain ang mga pangarap ko, magsisi habang buhay, at mamatay sa mundong ito na mag-isa at habambuhay na magsisi. Kasi masama akong tao. Yan ang parusa ko sa sarili ko.
Pero siyempre, madalas naman e mabait akong anak at kapatid, kaklase at kaibigan. Pero sa kahit onting pagkakamali lang, bakit lahat ng mabubuting nangyari sa buhay ko e nawawala o pilit kong kinakalimutan? Ganun talaga e ano?
Ngayon, mag-aaral na magmuli ako kasi may long quiz kami sa Biology. tsk tsk..
No Comments so far
Leave a comment
Leave a comment
Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>