A Margarita on Disguise


oh my goolai!
February 22, 2008, 12:35 pm
Filed under: Dreams

Oh no talaga! Matapos ang ilang araw ng pagsisimula ng panibagong blog sa mahal kong Xanga, ngayon naman ay nag-umpisa na naman ako sa WordPress. Anyway, malaki talaga ang kinaibhan nito kasi nga Tagalog ang gamit ko. Pero ANYWAY, wala lang..  haha!

May problema ako. May gusto kasi akong gawin sa buhay ako. Gusto kong ma-experience ang pag-arte at pagkanta sa isang musical play or theatre (naks!). May binabalak nga akong salihang workshop this summer, pero sa website nila, wala pang nakapost na update. Pero, may AUDITIONS para sa isang play na ilalabas sa August. E, okay itong gagawin nilang play kasi maganda ang istorya. Kanina nga lang e nagpapractice ako ng song nung lead character kasi.. malay mo diba?! hahahaha =(

Heto na ang dilemma ko: Gusto kong mag-audition. Wala namang mawawala sa akin diba? Tsaka kung hindi man ako matanggap, wala namang makakatanda ng pagmumukha ko e. Pero sa Feb 26 kasi yung auditions, at 3 pm. E, may laboratory ako hanggang 4 on Tuesdays. So paano na yan diba? Kung hahabol naman ako, okay lang pero gagabihin naman ako. Hindi ko pa nababanggit sa mommy ko, pero mukhang hindi naman niya ako sasamahan kung matuloy man ako. Alam kong hindi pa napapanahon. Sabi nga ng kaibigan ko, may oras para sa lahat.. hindi kailangang magmadali. Pero, naisip ko naman, there’s no harm in trying diba? Tsaka try lang naman talaga e. At ang nakakatuwa pa dito ay, hindi talaga nila matatandaan ang pagmumukha ko kaya okay lang!

Sabi nga nila, no pain, no gain. Kaya naman, kung hindi ako magsacrifice at magpakahirap, wala akong mapupuntahan sa mundong ito. Naiisip ko parati ang isang text message na ipinasa sa akin ng aking kaklase: na kung meron tayong gustong mangyari sa mundong ito pero walang nangyayari, ibig sabihin may ginagawa kang mali o wala ka talagang ginagawa. Kaya kung gusto mo mabago ang kapalaran mo, kailangan may gawin ka. So kung nangangarap ako sa mundong ito, dapat may gawin ako para matupad yun. Or sabi ko nga last year, to get me closer to that dream.

Pero naisip ko talaga na hindi ko kailangang magmadali. Na hindi ko kailangang sumali kaagad sa auditions na ito. E naisip ko mukhang tinatamad lang ako kaya ganyan ang mindset ko. ANYWAY, magtatanong na lang ako kung merong auditions on another time…

*goolai- brandname siya ng salad na nabili ng mom ko sa Robinsons Department Store. P138.00 masarap at masustansya!


No Comments so far
Leave a comment



Leave a comment
Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>